Paglilinaw ito ng Palasyo matapos sabihin ng pangulo na gaya ni Marcos, kanya ring ipaaaresto sina Fernando Zobel de Ayala na may-ari ng Manila Water Company at Manny Pangilinan na may-ari ng Maynilad dahil sa tagilid na kontrata na pinasok sa gobyerno.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na gagawin lamang ito ng pangulo kung mayroong susuwayin siya o kung warrant of arrest laban sa dalawang may-ari ng kumpanya ng tubig.
“That is on the assumption na merong warrant of arrest. Kasi di ba kahit merong warrant of arrest hindi naman naaresto ‘yung dapat arestuhin dahil malakas sa mga presidente. This time, hindi” ayon kay Panelo.
Pagtitiyak pa ni Panelo na dadaan sa lahat ng legal na proseso ang pagsasampa ng kaso laban sa kina Ayala at Pangilinan.
Sinabi pa ni Panelo na mas matibay ang political will ni Pangulong Duterte kaysa sa naging political will noon ni dating Pangulong Marcos.