Political will lamang ang nais gayahin ni Pangulong Duterte kay ex-Pres. Marcos – Palasyo

By Chona Yu January 19, 2020 - 04:57 PM

Political will at hindi ang mala-martial law na estilo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang tanging nais na gayahin lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw ito ng Palasyo matapos sabihin ng pangulo na gaya ni Marcos, kanya ring ipaaaresto sina Fernando Zobel de Ayala na may-ari ng Manila Water Company at Manny Pangilinan na may-ari ng Maynilad dahil sa tagilid na kontrata na pinasok sa gobyerno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na gagawin lamang ito ng pangulo kung mayroong susuwayin siya o kung warrant of arrest laban sa dalawang may-ari ng kumpanya ng tubig.

“That is on the assumption na merong warrant of arrest. Kasi di ba kahit merong warrant of arrest hindi naman naaresto ‘yung dapat arestuhin dahil malakas sa mga presidente. This time, hindi” ayon kay Panelo.

Pagtitiyak pa ni Panelo na dadaan sa lahat ng legal na proseso ang pagsasampa ng kaso laban sa kina Ayala at Pangilinan.

Sinabi pa ni Panelo na mas matibay ang political will ni Pangulong Duterte kaysa sa naging political will noon ni dating Pangulong Marcos.

TAGS: dating Pangulong Ferdinand Marcos, Fernando Zobel de Ayala, Manny Pangilinan, President Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, dating Pangulong Ferdinand Marcos, Fernando Zobel de Ayala, Manny Pangilinan, President Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.