Pahayag ni Lacson sa paghahain ng quo warranto petition sa prangkisa ng ABS-CBN, sinupalpal ng Palasyo

By Chona Yu January 19, 2020 - 03:23 PM

Sinupalpal ng Palasyo ng Malakanyang si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagsasabing mauuwi sa constitutional crisis ang nakaambang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court para sa prangkisa ng television network na ABS-CBN.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na mas makabubuting kumunsulta muna si Lacson sa kanyang mga abogado lalo’t hindi naman siya nakapagtapos ng abogasiya.

Trabaho aniya ng Solicitor General na maghain ng kaso laban sa sinumang lumalabag sa batas.

Ibang usapin aniya ang pag-renew ng prangkisa dahil malinaw na ang Kongreso ang may pasya nito at iba rin kung may nilabag sa prangkisa ang ABS-CBN.

Magkahiwalay aniya na usapin ang dalawa at hindi dapat na malito si Lacson.

Nakatakdang magtapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020 at hanggang ngayon ay hindi pa umuusad sa Kongreso ang renewal nito.

TAGS: ABS-CBN franchise renewal, Office of the Solicitor General, quo warranto petition on ABS CBN, Sec. Salvador Panelo, ABS-CBN franchise renewal, Office of the Solicitor General, quo warranto petition on ABS CBN, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.