Bakwit nasawi sa Alfonso, Cavite

By Chona Yu January 19, 2020 - 02:53 PM

Patay ang isang nakatatandang babaeng evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa kamag-anak sa Alfonso, Cavite bunsod ng patuloy na pag aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Agoncillo, Batangas Mayor Daniel Reyes na binawian ng buhay, Sabado ng gabi, ang evacuee na si Benny Mendoza, isang ginang at mahigit 70 taong gulang.

Ayon kay Reyes, residente ng Barangay Banyaga si Mendoza at lumikas sa kanyang kamag-anak sa Alfonso, Cavite.

Ayon kay Reyes, base sa impormasyon na kanyang natanggap, inatake sa puso si Mendoza kung kaya binawian ng buhay.

Sa ngayon, sinabi ni Reyes na nakaburol na si Mendoza sa kanyang kamag-anak sa Barangay Payapa sa Lemery, Batangas.

Patuloy din ang panawagan ni Reyes sa publiko na patuloy na ayudahan ang mga nabiktima ng Bulkang Taal para agad na makabangon at makabalik sa normal na pamumuhay.

TAGS: alfonso, Benny Mendoza, cavite, Mayor Daniel Reyes, Taal Volcano eruption, alfonso, Benny Mendoza, cavite, Mayor Daniel Reyes, Taal Volcano eruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.