Sa inilabas na memorandum, ipinaliwanag ni Batangas Gov. Hemilando “Dodo” Mandanas na ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Mandanas, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at rpibadong paaralan sa buong probinsya ng Batangas.
Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
READ NEXT
787 volcanic earthquakes, naitala sa nakalipas na magdamag; Alert Level 4, nakataas pa rin sa Bulkang Taal
MOST READ
LATEST STORIES