Klase sa Batangas province, suspendido pa rin sa Lunes
Suspendido pa rin ang klase sa probinsya ng Batangas, araw ng Lunes (January 20).
Sa inilabas na memorandum, ipinaliwanag ni Batangas Gov. Hemilando “Dodo” Mandanas na ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Mandanas, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at rpibadong paaralan sa buong probinsya ng Batangas.
Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.