Panelo, kinuwestyon ang ilang donasyong damit sa evacuees

By Chona Yu January 19, 2020 - 03:22 PM

Kinuwestyon ng Palasyo ng Malakanyang ang pagbibigay ng donasyon sa mga evacuee ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal ng mga Amerikanang damit at pang-kasal na gown.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na may mga donasyon pang high heels o ang mga may takong na sapatos.

Hindi maintindihan ni Panelo kung bakit may mga nagbibigay ng donasyon ng mga damit na pang-rampa gayung nakararanas ng kalamidad ang mga taga-Batangas.

Pero ayon kay Panelo, ang mahalaga ay marami ang nagbibigay ng ayuda lalo na sa pagkain, damit at iba pa.

“Ang mahalaga, maraming food stock are pouring in, clothes, lahat ng klase dumarating sa affected areas. Marami pa nga akong nakikita doon mga naka-Amerikanang bata. Bakit naman daw kasi Amerikana ipinapadala, ‘yung ibang bata naka-high heels, ‘yung iba nakapang-kasal pa,” ani Panelo.

Matatandaang nag-viral sa social media ang mga donasyon na Amerikanang damit, pang-kasal na gown, girl’s scout uniform, pang-serena na damit, uniform ng sikat na fastfood chain, security guard at iba pa.

TAGS: donasyon sa pagsabog ng Bulkang Taal, Sec. Salvador Panelo, Taal Volcano, donasyon sa pagsabog ng Bulkang Taal, Sec. Salvador Panelo, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.