LOOK: Konstruksyon ng Calumpit Main Site Yard sa PNR Clark Phase 1

By Angellic Jordan January 18, 2020 - 03:51 PM

Puspusan na ang konstruksyon ng Calumpit Main Site Yard sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos).

Ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga larawan ng konstruksyon ng pasilidad sa bahagi ng Calumpit, Bulacan.

Sinabi ng kagawaran na ang 14-hectare area ay magsisilbing main production site para sa precast segments ng Contract Package 2 ng PNR Clark Phase 1.

Sakop ng CP02 ang pagtatayo ng tatlong istasyon kabilang ang Balagtas, Guiginto, at Malolos.

Oras na maging fully operation ang PNR Clark Phase 1, mula sa isang oras at 30 minutong biyahe, magiging 35 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Bulacan at pabalik.

Inaasahang maseserbisyuhan nito ang 300,000 pasahero kada araw.

TAGS: Calumpit Main Site Yard, dotr, PNR Clark Phase 1, Calumpit Main Site Yard, dotr, PNR Clark Phase 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.