Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Occidental, Sabado ng hapon.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 131 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 3:01 ng hapon.

89 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...