Dating MRT GM Vitangcol nagpapasaklolo na sa PAO kauganay sa kasong graft

By Den Macaranas January 28, 2016 - 03:17 PM

MAY 27, 2014 Atty. Al Vitangcol, general manager MRT3, during the committee meeting on Good Government and Public Accountability in Congress. LYN RILLON
Inquirer photo

Nagsumite ng kanyang mosyon sa 3rd Division ng Sandiganbayan si dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager kaugnay sa kanyang hirit na bigyan siya ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sinabi ni Vitangcol na sinira ng Ombudsman ang kanyang kredibilidad bilang isang dating opisyal ng MRT at bilang isang abogado na naka-apekto ng husto sa kanyang kita.

Ikinatwiran ni Vitangcol na wala siyang makuhang kliyente bilang isang practicing lawyer kaya hindi niya kayang bayaran ang halos ay P1Million na hinihingi sa kanya bilang acceptance fee ng mga nakaka-usap niyang abogado para  sa kanyang kaso.

Si Vitangcol ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay sa pagkakasangkot niya sa multimillion-dollar-deal MRT-3 maintenace contract.

May kaugnayan ito sa pagkaka-award ng proyekto noong siya pa ang pinuno ng MRT sa PH Trams at CB&T na sinasabing pag-aari ng tiyuhin ng kanyang asawa.

Hindi naman pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ni Vitangcol kaya sa kanyang arraignment ay nagpasok ng not guilty plea ang hukuman makaraang tumanggi ang dating opisyal na magsumite ng kanyang plea.

Si Vitangcol at ilan pang mga dating opisyal at incorporators ng PH Trams at CB&T ay nahaharap sa mga kaso kaugnay sa violation ng Section 3 (e) at 3 (h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Section 65 ng Government Procurement Reform Act kaugnay sa nasabing kontrata.

TAGS: MRT, PH Trams, Sandigan, vitangcol, MRT, PH Trams, Sandigan, vitangcol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.