Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 6:00 ng umaga, nasa kabuuang P16,585,936.61 ang halaga ng naipadalang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at mga local government unit (LGU).
Samantala, nasa 22,472 na pamilya o 96,061 na indibidwal naman ang apektado ng pagsabog ng bulkan sa bahagi ng Batangas, Cavite at Laguna.
Sa nasabing bilang, 16,174 na pamilya o 70,413 na katao ang nananatili pa rin sa 300 itinalagang evacuation centers.
Sa update ng Phivolcs bandang 8:00 ng umaga, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.