Rider patay, angkas sugatan sa aksidente sa Pasay

By Rose Cabrales January 18, 2020 - 01:52 PM

Inquirer file photo

Nasawi ang isang motorcycle rider at sugatan naman ang angkas nito matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang poste sa Leveriza street sa Pasay City, madaling araw ng Sabado (January 18).

Ayon kay barangay kagawad Loisa Peralta, dalawang beses dumaan sa kalsada ang motorsiklo bago maganap ang aksidente.

Base sa sanaysay ni kagawad Peralta, nang sila ay bumalik mabilis na mabilis na umano ang kanilang pagpapatakbo sa motor hanggang sa sumalpok ang mga ito sa poste marahil anya dahil wala silang suot na helmet.

Hindi pa nakikilala ang dead-on-the-spot na biktima at ang angkas nitong nasugatan. Wala rin umanong papeles ang motorsiklo.

Maaari umanong ang humps ang naging sanhi ng kanilang pagbangga sa poste dahil hindi ito masyadong kita sa gabi.

Ito na ang ikalawang beses na may naaksidente sa lugar.

TAGS: aksidente sa Pasay, kagawad Loisa Peralta, aksidente sa Pasay, kagawad Loisa Peralta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.