Naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Taal umakyat na sa 653
Umakyat na sa 653 ang naitatalang volcanic earthquake ng Phivolcs simula nang pumutok ang Bulkang Taal noong hapon ng Linggo, January 12.
Sa 5PM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, simula kaninang umaga, 19 na volcanic earthquakes ang naitala pero mahihina lamang ang mga ito.
Ayon sa Phivolcs ang mga nararanasang paggalaw ng lupa ay senyales ng patuloy na magmatic intrusion sa Bulkang Taal na maaring mauwi sa mga susunod pang pagsabog.
Simula alas 8:00 ng umaga ng Biyernes ay mahihinang pagbubugay ng abo lamang ang naitala sa bulkan at may naitalang limang mahihinang pagsabog.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 4 sa Taal Volcano na nangangahulugan na posible pa rin ang hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras at araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.