South Korea nag-donate ng $200,000 sa mga nasalanta ng Bulkang Taal

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 05:14 PM

Nabigay ng $200,000 na tulong ang South Korea para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa larawang ibinahagi ni Senator Richard Gordon, si Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man ang nag-abot ng tulong sa Philippine Red Cross.

Nagpasalamat si Gordon sa ambassador na aniya ay laging mabilis na tumutugon at tumutulong kapag nangangailangan ang mga mamamayan ng Pilipinas.

Pagtitiyak ni Gordon sa opisyal makararating ang tulong sa mga pinakaapektadong komunidad na nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano lalo na ang nasa mga malalayong lugar.

Dahil aniya sa donasyon ng South Korea makabibili ang Red Cross ng mas marami pang hygiene kits, food at non-food items, sleeping kits, potable water, portalets, at iba pang kailangang tulong ng mga apektadong pamilya.

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, red cross, south korea, taal, taal donation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, red cross, south korea, taal, taal donation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.