Halos 300 pulis sa CALABARZON naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 04:50 PM

Halos tatlongdaang pulis ang naapektuhan din ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, 278 na mga pulis sa CALABARZON ang apektado ng ashfall.

Sinabi ni Gamboa na hindi nila inaasahang makababalik agad sa trabaho ang mga naapektuhang pulis.

Aniya, kailangan munang asikasuhin ng mga ito ang kanilang pamilya bago bumalik sa trabaho.

Kung kakailanganin naman ng dagdag na pulis sa CALABARZON, maaring kumuha mula sa PNP national headquarters.

Naglaan na ang PNP ng N95 masks, goggles at raincoats sa mga pulis na tumutulong sa evacuation at relief efforts.

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, PNP, PNP Calabarzon, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, PNP, PNP Calabarzon, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.