DOH kinumpirmang nabakunahan laban sa polio ang batang nagpositibo sa sakit sa QC
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tumanggap ng kumpletong dosage ng bakuna ang batang nagpositbo sa polio sa Quezon City.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, fully-vaccinated ang bata mula noong siya ay sanggol pa at muling tumanggap ng dalawa pang bakuna kamakailan.
Paliwanag ni Domingo maaring ang mahinang resistensya ng bata ang dahilan kaya tinamaan pa rin siya ng polio.
Marami aniyang iba pang sakit ang bata at mahina ang katawan nito kaya maaring hindi siya nagkaroon ng immunity sa sakit.
Una nang sinabi sa Radyo Inquirer ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na tumanggap ng kumpletong bakuna ang tatlong taong gulang na bata.
Nabakunahan din siya ng dalawang beses sa ikinasang Sabayang Patak Kontra Polio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.