Total deployment ban sa Kuwait aprubado ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 02:38 PM

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad na ng total deployment ban sa mga Filipino sa Kuwait.

Sa pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sakop ng ban ang mga skilled workers.

Sinabi ni Panelo na base sa ginawang re-autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) lumitaw na biktima ng sexually abuse si Jeanelyn Villavende.

Ibig sabihin ayon kay Panelo, tinangka ng Kuwaiti government na itago ang totoong nangyari sa OFW.

Sa ibinigay kasing autopsy report ng gobyerno ng Kuwait ay trauma at mga pasa sa katawan ang dahilan ng pagkamatay ni Villavende.

Sinabi ni Panelo na pabor si Pangulong Duterte sa total ban hangga’t hindi tumutugon ang Kuwait sa memorandum of agreement hinggil sa kontrata ng mga OFW sa nasabing bansa.

TAGS: deployment ban, Inquirer News, Jeanelyn Villavende, kuwait, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, deployment ban, Inquirer News, Jeanelyn Villavende, kuwait, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.