Ilegal na pabrika ng sigarilyo sinalakay sa Mexico, Pampanga

Sinalakay ng mga otoridad ang isang ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Brgy. Pandacaqui, Mexico, Pampanga, Huwebes
ng tanghali (January 16).

Pinamunuan ni Bureau of Internal Revenue Officer Remedios Advicula Jr. kasama ang NBI at PNP ang pagsalakay sa
warehouse na ginawang pabrika na gumagawa ng mga pekeng sigarilyo na may brand na Marlboro, Mighty at Marvel na
inilalagay sa box ng electric fan.

Napag-alaman na Chinese nationals ang machine operators at supervisors ng kumpanya habang ang mga trabahador naman ay mga residente mula sa Buhi, Camarines Sur at Bulan, Sorsogon.

Nakumpiska sa ilegal na pabrika ang 6 manufacturing machines na may 1 maker at 1 packer line.

Ayon kay Advincula, ang pagsalakay ay bahagi ng ng pagsisikap ng gobyerno sa ilalim ng pamumuno nina Finance
Secretary Carlos Dominguez at BIR Commissioner Ceasar kaugnay sa pagkolekta ng tax ng gobyerno.

Nanawagan din si Advincula sa publiko na tulungan ang gobyerno at BIR para maabot ang target na tax collection para matustusan ang mga social and economic programs ng gobyerno.

Read more...