Lalaking nagbitbit ng mga bala sa MRT-3 sinampahan na ng kaso
Sinampahan na ng reklamo ng DOTr – MRT-3 ang lalaking nagtangkang magpasok ng mga bala sa Taft Avenue Station ng MRT.
Ayon sa DOTr – MRT-3, kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Ammunition and Explosives ang isinampa sa suspek na si Xavier Sumaya isang electronics engineer.
Si Sumaya ay nakuhanan ng mga bala para sa M203 grenade launcher, M16 rifle, .45 caliber pistol, .40 caliber pistol, .38 caliber pistol, at 9 mm pistol.
Kasabay nito ay iginiit ng DOTr na mahigpit ang pagpapatupad nito ng istriktong alituntunin sa mga istasyon ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.