Pinsala sa pananamin at livestock ng pagputok ng Bulkang Taal umakyat na sa P3B

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 01:44 PM

Umabot na sa P3.06 bilyon ang halaga ng pinsala sa pananim at livestock ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Department of Agriculture, pinakamalaking halaga ng pinsala ay sa mga nasirang libu-libong tilapia at bangus cages sa Taal Lake na umabot ng P1.6 billion ang halaga.

Naapagtala na rin ang DA ng 1,900 na mga hayop na nasawi. Habang marami ring pananamin na kape, cacao, pinya, gulay, palay at prutas ang nawasak.

Bilang paunang tulong, nagbigay na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng 20 bags ng animal feeds at mga gamot.

Tumulong din at nagbigay ng animal feeds ang Philippine Carabao Center at National Dairy Authority.

 

TAGS: bangus cage, Department of Agriculture, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Taal Lake, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, tilapia, bangus cage, Department of Agriculture, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Taal Lake, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, tilapia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.