LOOK: Mga natanggap na donasyong damit inirampa ng evacuees

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 01:31 PM

Sa kabila ng pagsubok na kanilang naranasan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal, nagagawa pa rin ng mga evacuees na humanap ng paraan upang maging masaya.

Viral ngayon sa social media ang larawan ng mga evacuee suot ang mga natanggap nilang donasyong damit.

Dahil limitado lamang at karamihan sa donasyon ay pambabae, maging ang mga lalaking evacuee ay nagsusuot ng damit ng pambabae gaya ng bestida at palda.

Meron ding isang lalaking evacuee na nakasuot ng school uniform na pambabae.

Ang iba naman, pormal ang datingan, dahil ang nakuha nilang damit ay long sleeves at coat.

Meron ding mga nagmistulang bodyguard ng pulitiko dahil sa suot nilang polo shirt at black pants.

Narito ang mga larawan na ibinahagi ng mga netizen:

 

Sa kanilang mga post, nilinaw ng mga evacuee na hindi naman sila nagrereklamo sa natanggap nilang mga damit, bagkus ay malaki ang pasasalamat nila sa mga taong patuloy na tumutulong sa kanila.

TAGS: donated outfits, evacuees, Inquirer News, netizens, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viral posts, donated outfits, evacuees, Inquirer News, netizens, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viral posts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.