Pagre-renew ng business permit sa Maynila pinalawig pa

Pinalawig ang deadline sa pagre-renew ng business permit sa Maynila.

Mula sa January 20 na orihinal na deadline ay ginawang hanggang January 31 ang aplikasyon para sa business permit renewal.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno hindi sisingilin ng penalties ang mga magrerenew hanggang January 31.

Maliban dito, ang business one-stop shop sa SM City Manila ay bubuksan na hanggang Linggo para ma-accommodate ang mga hahabol pa.

 

Read more...