Pagpasa sa panukala para magkaroon ng evacuation gym ipinamamadali na sa Kamara
Kinalampag ni Quezon City 5th District Rep Alfred Vargas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang madiliin ang pagpasa ng panukala upang magtayo ng mga multipurpose gym sa lahat ng lokal na pamahalaan upang magamit bilang mga evacuation center sa panahon ng kalamidad.
Ito aniya ay upang mas madali ang trabaho ng mga emergency rescue personnel at maging accessible sa mga evacuees.
Nakasadaad din sa panukala na dapat pumasa sa mga safety requirements ang gagagawing gym.
Dapat aniya ay kaya nitong tumindig sa mga natural o man-made disasters tulad ng hangin na nasa 155 miles per hour at magnitude 7.2 na lindol.
Kailangan din na ang evacuation gym ay mayroong lugar para sa mga recreational activities ng mga evacuees at sleeping quarters.
Ang pagkakaroon aniya ng evacuation gym ay upang maalis na rin ang nakagawian na gawing evacuation centers ang mga public school tuwing may kalamidad dahilan upang maapektuhan ang mga estudyante.
Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong mga lumikas sa pagputok ng Bulkang Taal ang pansamantalang nanunuluyan sa isang sabungan sa Bauan, Batangas.
Nakalulungkot anya dahil ang mga ito kasama ang mga sanggol ay nakahiga lamang sa mga karton bukod pa sa walang maayos na sahil at ventilation.
Sa ilalim ng House Bill 1403 ni Vargas nais nito na magtayo ng mga evacuation gyms ang Department of Public Works and Highways.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.