Mga preso na nakakulong sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal nailipat na ng BJMP
Inilipat na ang Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP ang mga preso na nakakulong sa mga lugar apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Chief Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP walang dapat ikabahala ang mga kaanak ng mga detinido sapagkat maayos ang mga itong nailipat.
Inihalimbawa nito ang mga nasa Lemery Municipal Jail kung saan 54 ang inilipat sa Batangas City Jail.
Dahil dito, hindi aniya dapat pang mabahala ang kanilang mga kamag-anak.
Nanatili naman aniya red alert status ang BJMP-Calabarzon at nangangahulugan na bawal munang mag-leave o mag-absent ang mga jail officer sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.