Mga residente ng Valenzuela pinayuhang pabakunahan kontra polio ang kanilang mga anak
Kasunod ng pagkakaroon na ng kaso ng polio sa Metro Manila partikular sa Quezon City, hinimok ng Valenzuela City Government ang mga residente na pabakunahan ang kanilang anak.
Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, extended ang Sabayang Patak Kontral Polio ng Department of Health (DOH).
Ang ikatlong round ay gaganapin sa January 27 hanggang Febaruary 9, 2020.
At ang ikaapat na round aman ay sa February 24 hanggang March 8.
Para matiyak na ligtas ang mga bata sa naturang sakit pinayuhan ang mga magulang na pabakunahan ang mga batang edad 5 pababa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.