Pagsisimula ng voter registration sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal hindi muna itutuloy
Hindi muna uumpisahan ang voter registration sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mag-uumpisa na ang nationwide voter registration sa Lunes, January 20.
Pero may mga lugar sa bansa hindi muna ito isasagawa kabilang ang sumusunod na mga bayan at lungsod sa Batangas at Cavite na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal:
• Balayan
• Calaca
• Calatagan
• Cuenca
• Lian
• Lipa City
• Mabini
• San Luis
• Tuy
• Tagaytay City
• Alfonso
• Amadeo
• Indang
• Silang
Hindi rin muna magsisimula sa Lunes ang registration sa 24 na munisipalidad sa Palawan dahil may isasagawang plebisito sa probinsya.
Gayundin sa bayan ng Makilala sa Cotabato na kamakailan ay naapektuhan ng malakas na lindol.
Ayon sa Comelec iaanunsyo na lamang nito kung kailan magsisimula ang voter registration sa nasabing mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.