Mga empleyadong papasok sa trabaho sa April 9, 2020 tatanggap ng triple pay – NWPB

Dahil ang Araw ng Kagitingan at Huwebes Santo ngayong taon ay natapat sa iisang petsa, maagang nagpalabas ng holiday pay rules para dito ang National Wages Productivity Board ng Department of Labor and Employment.

Ang Araw ng Kagitingan at Huwebes Santo na kapwa regular holiday ay natapat ng April 9, 2020.

Ibig sabihin, mayroong dalawang regular holiday sa iisang petsa.

Ayon sa NWPB, kung ang isang empleyado ay pumasok sa trabaho sa nasabing petsa, dapat itong bayaran ng 300 percent ng kaniyang daily wage rate.

Triple pay ang iiral para sa empleyadong papasok sa trabago sa naturang petsa.

Kung hindi naman papasok sa trabaho, bayad pa rin ng 200 percent o double pay ang isang empleyado.

Read more...