Dalawa na ang patay sa misteryosong sakit sa China

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 09:56 AM

Dalawa na ang nasawi sa China kaugnay sa misteryosong sakit na tumama sa Wuhan City mula noong Disyembre.

Ayon sa mga otoridad, isang 69 anyos na lalaki ang nasawi sa Wuhan ang central Chinese City na pinagmulan ng outbreak ng sakit na kahalintulad ng coronavirus.

Umabot na sa 41 na katao ang tinamaan ng sakit na ang sintomas ay parang pnuemonia.

Ayon sa Wuhan Health Commission, mayroon din namang mga gumaganda ang kondisyon at nagagawang maka-recover.

Pero sa ngayon maliban sa dalawang nasawi ay mayroon pang lima ang seryoso ang kondisyon.

Noong December 31 unang nakapagtala ng nasawi sa naturang sakit.

TAGS: China, corona, disease, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sars like, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, corona, disease, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sars like, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.