Mahigit 70 hayop nasagip ng PNP-Maritime Group sa Talisay

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 09:06 AM

Pinangunahan ng mga miyembro ng PNP Maritime Group ang pagsagip sa mga naiwang domestic animals sa isla ng Taal Volcano.

Umabot sa 70 hayop na karamihan ay kabayo ang nasagip ng mga pulis.

Sa mga larawan na ibinahagi ng PNP Maritime Group, makikitang balot ng abo ang mga kabayo na nasagip.

Agad na pinakain ang mga hayop na pawang nanghihina na matapos maiwan ng ilang araw sa isla.

Maraming kabayo sa isla dahil ito ang pangunahing pangkabuhayan ng mga residente doon.

Isinasakay kasi sa kabayo ang mga turista na nagtutungo sa Taal Lake.

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, PNP, PNP Maritime Group, Radyo Inquirer, taal, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, PNP, PNP Maritime Group, Radyo Inquirer, taal, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.