Tagbina, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 08:51 AM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Tagbina sa lalawigan ng Surigao Del Sur.
Naitala ang pagyanig sa layong 19 kilometers northeast ng tagbina alas 7:43 ng umaga ng Biyernes, Jan. 17.
Ayon sa Phivolcs 82 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.