LOOK: Mga preso sa Gumaca Dist. Jail nagtahi ng face masks para maipamahagi sa mga biktima ng Bulkang Taal

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 08:23 AM

“Nakakulong pero tumutulong”.

Hindi hadlang ang kanilang pagkakabilanggo para makatulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ang mga babaeng bilanggo sa Gumaca District Jail, tulong-tulong sa pananahi ng face masks para maipamigay sa mga evacuees sa Batangas.

Sa larawan na ibinahagi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makikitang mano-manong nagtatahi ang mga preso para makagawa ng face masks.

Ayon sa BJMP, ang nasabing mga face masks na likha ng mga persons deprived of liberty sa Gumaca ay ipamamahagi sa ginagawang relief operations ng ahensya para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal.

TAGS: BJMP, face masks, Gumaca District Jail, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BJMP, face masks, Gumaca District Jail, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.