Batang nagpositibo sa polio sa QC may kumpletong bakuna

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 07:47 AM

Tumanggap ng kumpletong bakuna kontra polio ang batang lalaki na nag-positibo sa sakit na polio sa Quezon City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, base sa pagsusuri nila sa medical records ng tatlong taong gulang na batang lalaki, nakumpleto nito ang dosage ng bakuna noong siya ay sanggol pa.

Maliban dito, nang ilunsad ng Quezon City Government “Sabayang Patak Kontra Polio” ay tumanggap din ang bata ng dalawang bakuna.

Dahil dito nagtataka si Belmonte kung bakit nagpositibo pa rin ito sa polio base sa kumpirmasyon ng Department of Health (DOH).

Tiniyak naman ni Belmonte na isolated lamang ang naturang kaso.

Ani Belmonte, kabilang ang lungsod sa nakatugon sa 100 percent polio vaccination.

Ikakasa na rin ang ikatlo at ikaapat na round ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa lungsod.

Magpapatuloy rin si Belmonte sa pag-iikot sa mga nasasakupan para makausap ng personal ang mga magulang at para tiyakin na lahat ng bata ay nakatanggap ng bakuna.

TAGS: doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Polio, quezon city, Radyo Inquirer, Sabayang patak kontra polio, Tagalog breaking news, tagalog news website, doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Polio, quezon city, Radyo Inquirer, Sabayang patak kontra polio, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.