Mga pasahero nakaranas ng problema sa Stored Value Beep cards ng LRT-1
Ilang oras na nagkaproblema kahapon sa paggamit ng beep cards ang mga pasahero ng Light Rail Transit – 1.
Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), nakaranas ng technical problem sa kanilang Automated Fare Collection System (AFCS) gates.
Mayroon ding mga pasahero na nabawasan ang kanilang beep cards nang pumasok sa istasyon ng LRT-1 gayong ang bawas dapat ay paglabas pa nila sa bababaang istasyon.
Dahil sa problema ang mga pasahero ng LRT-1 ay pinayuhang gumamit lang ng single journey tickets.
Marami namang nainis sa nangyari, dahil kahit mayroon silang stored value ticket ay kinailangan pa rin nilang pumila para bumili ng single journey ticket.
Gabi na nang maibalik sa normal ang sitwasyon at mapayagan ang paggamit ng Stored Value Cards.
Ayon sa LRMC makikipag-ugnayan sila sa AF Payments Inc. na kanilang outsourced partner para maiwasan nang maulit ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.