Laurel, Batangas niyanig ng magnitude 3.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 06:40 AM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Laurel sa lalawigan ng Batangas.
Naitala ang pagyanig sa layong 7 kilometers southwest ng Laurel, alas 6:25 ng umaga ngayong Biyernes, Jan. 17.
Ayon sa Phivolcs 3 kilometers ang lalim ng pagyanig at ang dahilan ay ang patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.
Naitala ang Intensity II sa Tagaytay City bunsod ng naturang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.