Mga residente pinayagan na pansamantalang makapasok sa Agoncillo, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 06:00 AM

Pinayagan ang mga residente ng bayan ng Agoncillo sa Batangas na makauwi sa kani-kanilang tahanan ngayong araw.

Ang mga residente ay pinayagan ng mga nakabantay na pulis na pasukin ang bayan mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Ito ay para magkaroon sila ng pagkakataon na makuha ang mga mahahalagang gamit sa kanilang mga bahay na nasalanta sa pagputok ng Bulkang Taal.

Kabilang ang bayan ng Agoncillo sa nagpatupad ng lockdown matapos pumutok ang bulkan.

Pagsapit ng alas 10:00 ng umaga, ang lahat ng residente ay kailangang nakalabas na ng Agoncillo at nakabalik na muli sa mga evacutation center kung saan sila nananatili.

TAGS: affected families, agoncillo batangas, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Taal eruption, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, affected families, agoncillo batangas, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Taal eruption, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.