Buong Luzon apektado ng Amihan – PAGASA
Apektado pa rin ng Amihan ang buong Luzon na maaring maghatid ng mahihinang pag-ulan.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Amihan.
Ang Batangas at Cavite ay makararanas din ng maulap na papawirin dahil sa Amihan at sa aktibidad ng Bulkang Taal.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan.
Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na 3 hanggang 5 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.