4 arestado sa operasyon ng mga otoridad sa Malabon

By Rose Cabrales January 17, 2020 - 05:40 AM

Timbog ang 4 na lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Malabon, gabi ng Huwebes (January 16).

Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng 2 construction worker at 2 tricycle driver kung saan tatlo sa apat ay pawang mga bagong tukoy na mga drug personality.

Ayon kay Police Executive Master Sgt. Randy Santiago, una nilang naaresto ang isang tricycle driver na nakilalang si alyas Ronald na nasa drugs watchlist ng Barangay Concepcion habang nagpapatrolya sila sa Jacinto Street.

Napansin ng mga otoridad ang suspek na may hawak na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4,000 kung kaya’t inaresto nila ito.

Sa Barangay Longos naman ay naaresto ang 2 construction worker at isang tricycle driver.

Nakumpiska naman sa tatlo ang 2 sachet ng hinihinalang shabu at 2 sachet ng hinihinalang marijuana.

Samantala, aminadong gumagamit ng ilegal na droga ang mga naarestong suspek.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: drugs, Inquirer News, Malabon, Malabon police, Marijuana, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, drugs, Inquirer News, Malabon, Malabon police, Marijuana, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.