2 Prostitution den sinalakay sa Makati; 18 babae nailigtas

By Rose Cabrales January 17, 2020 - 05:45 AM

Nailigtas ang 18 babae matapos salakayin ng mga otoridad ang dalawang pinaghihinalaang prospitution den Makati.

Unang sinalakay ng mga otoridad ang hinihinalang prostitution den sa kanto ng Casino Street at Bautista Street sa Barangay Palanan.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon ng Makati City Police, may nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa isa umanong prostitution den sa lugar kaya’t nagpanggap na customer ang isang agent at kumuha ng isang babae.

Nagkakahalaga ng P3,000 ang siningil sa agent bago nailabas ang napiling babae at dito na nilusob ang prostitution den kung saan 11 babae at isang lalaki ang kanilang naabutan.

Samantala, nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga otoridad matapos ituro ng isa sa mga naligtas na babae ang isa pa umanong prostitution den sa kanto ng Araro Street at Emilia Street sa Barangay Palanan pa rin.

Nasagip naman sa follow-up operation ang 7 babae, 2 Chinese at ilang mga lalaki.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 10364 o Anti-trafficking in Persons Act ang dalawang lalaki samantalang dinala naman sa istasyon ng pulis ang mga naabutang lalaki oara isailalim sa profiling.

TAGS: 18 babae nasagip, Inquirer News, Makati, Makati City Police, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, prostitution den, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 18 babae nasagip, Inquirer News, Makati, Makati City Police, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, prostitution den, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.