Ayon sa Phivolcs, nag-vaporize ang tubig dahil sa pagtulak ng magma paakyat ng bulkan.
At dahil sa pag-akyat ng magma, patuloy na yumayanig at umaalsa ang lupa kaya naaantala ang natural na agos ng tubig at naiipon ito sa mabababang bahagi ng lawa.
Posible rin ayon sa Phivolcs na mayroong mga underwater fissure o bitak sa ilalim ng Taal Lake na naging dahilan ng pagtagas ng tubig.
Ang nasabing mga aktibidad ng bulkan ayon sa Phivolcs ang dahilan kaya hindi pa rin ligtas na bumalik sa mga lugar na apektado at kasama sa 14-km danger zone mula sa Taal Volcano.
MOST READ
LATEST STORIES