Sa inilabas na resolusyon ng DOJ, nakitaan ng probable cause para magsampa ng kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Albayalde at 12 iba pa.
Paliwanag ng kagawaran, natagpuang may probable cause sa pag-impluwensiya ni Albayalde sa ibang opisyal ng gobyerno na protektahan ang mga tauhan na sangkot sa kontrobersyal na anti-drug operation taong 2013.
Kabilang din sa mga pinakakasuhan ang mga sumusunod na pulis:
– Lt. Col. Rodney Raymundo Louie Juico Baloyo IV
– Lt. Joven Bagnot De Guzman, Jr.
– Master Sgt. Jules Lacap Maniago
– Master Sgt. Donald Castro Roque
– Master Sgt. Ronald Bayas Santos
– Master Sgt. Rommel Muñoz Vital
– Master Sgt. Alcindor Mangiduyos Tinio
– Staff Sgt. Dindo Singian Dizon
– Staff Sgt. Gilbert Angeles De Vera
– Staff Sgt. Romeo Encarnacio Guerrero, Jr.
– Master Sgt. Eligio Dayos Valeroso
– Master Sgt. Dante Mercado Dizon
Nakitaan din ng paglabag si Baloyo at iba pang pulis sa Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil sa misappropriation, misapplication o bigong pag-account ng mga nakumpiskang ilegal na droga.
Samantala, ibinasura naman ang reklamo laban kay Police Officer 2 Anthony Lacsamana dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya dahil lumabas na hindi kasama sa operasyon ang opisyal.