Phivolcs, nakapagtala ng 9 discrete weak explosions sa Bulkang Taal
Nakapagtala ng siyam na discrete weak explosions sa nakalipas na walong oras sa Bulkang Taal, ayon sa Phivolcs.
Sa update ng ahensya bandang 5:00 ng hapon, umaabot sa 800 metro ang taas ng ibinubugang abo mula sa main crater ng bulkan.
Direksyong pa-southwest ang tinatahak ng abo.
Sinabi ng Phivolcs na walang karagdagang fissures na napaulat.
Nakita ang fissures sa ilang barangay sa bayan ng Lemery, Agoncillo, Talisay at San Nicolas sa probinsya ng Batangas.
“Receding of Taal Lake water has been observed in Talisay, Laurel, Alitagtag and Lemery in Batangas Province,” ayon pa sa ahensya.
Sa huling tala bandang 1:00 ng hapon, umabot na sa 595 volcanic earthquakes ang naitala.
Sa nasabing bilang, 176 ang naramdaman na may lakas na Intensity 1 hanggang 5.
Maliban dito, mula 5:00 ng madaling-araw hanggang 3:00 ng hapon, nasa 30 volcanic earthquakes ang naitala kabilang ang pagyanig na may lakas na Intensity 1.
Nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano.
Patuloy pa rin ang rekomendasyon ng ahensya na total evacuation sa Taal Volcano Island at high-risk areas sa loob ng 14-kilometer radius mula sa Taal Main Crater at sa Pansipit River Valley.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.