High-value target, timbog sa Dumaguete City; Higit P800,000 halaga ng shabu, nasabat

Arestado ang isang high-value target sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Dumaguete City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa PDEA Central Visayas, nahuli ang suspek na si Kristie Sinco Amigo alyas “Madam” sa bahagi ng Barangay Candau-ay bandang 7:00 ng gabi.

Sa bisa ng search warrant, nasamsam ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 120 gramo.

Ang kontrabando ay may estimated market value na P816,000.

Si Amigo ay top 7 sa PDEA-PNP Regional Level High Value Target List.

Nakuha rin sa suspek ang ilang drug paraphernalia.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...