Pamahalaang lokal ng Maynila, nag-donate sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal
Nagbigay ng donasyon ang pamahalaang lokal ng Maynila sa mga lugar na lubhang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Gamit ang kaniyang Facebook account, sinabi ni Mayor Isko Moreno na aabot sa P2.5 milyon ang ido-donate ng Manila City government.
Makikita sa larawan ang mga tseke kung saan nakalagay na tig-P500,000 ang ipadadalang tulong sa bayan ng Talisay, Taal, Agoncillo, Lemery at Laurel.
Nagpaabot ng pasasalamat ang alkalde kina Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at mga miyembro ng City Council.
Pinasalamatan din ni Moreno ang lahat ng residente ng lungsod na nakikiisa sa pagtulong sa probinsya ng Batangas.
Hinikayat naman ng alkalde ang lahat na patuloy na manalig sa Panginoon na maging maayos na ang kalagayan ng mga nasalanta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.