Tagaytay Business Center ng Meralco, sarado pa rin
Sarado pa rin ang Tagaytay Business Center ng Meralco sa Cavite.
Sa abiso ng kumpanya, ito ay kasunod ng inilabas na memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong January 13 ukol sa mandatory evacuation sa mga residente.
Patuloy ang paglilikas sa mga residente bunsod ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Ayon sa Meralco, maaring makumpleto ng kanilang customers ang transaksyon sa Dasmariñas Business Center, Trece Martirez Extension Office.
Maaari rin anilang gamitin ng customers ang kanilang Meralco Mobile App.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.