PCG, nagtalaga ng dagdag na 100 tauhan sa Batangas
By Angellic Jordan January 16, 2020 - 03:38 PM
Magtatalaga ang Philippine Coast Guard (PCG) ng karagdagang tauhan sa probinsya ng Batangas.
Ayon sa PCG, nasa 100 tauhan ang ipapadala para umasiste sa nagpapatuloy na relief operations sa probinsya.
Bunsod pa rin ito ng phreatic eruption ng Bulkang Taal.
Lulan naman ng 44-meter multi-role response vessel na BRP Tubbataha ang mga kahun-kahong donasyon mula sa China Coast Guard (CCG).
Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.