Gratuity pay sa job order at contractual government workers aprubado na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni pangulong rodrigo dutertr ang pagbibigay ng one-time gratuity pay sa mga naka job order at contractual service sa gobyerno.
Base sa Administrative Order 20 na nilagdaan ng pangulo noong January 10, 2020, makatatanggap ng hindi bababa sa P3,000 ang mga naka-job order at contractual service na nakapaglingkod sa pamahaalaan ng hindi bababa sa apat na buwan at nakapagsimulang magtrabaho noong December 15, 2019 hanggang ngayon.
Aabot naman sa P1,000 hanggang P2,000 ang makukuhang gratuity pay sa mga naka-job order at contractual service na nakapaglingkod sa pamahalaan ng mas mababa sa apat na buwan.
Nakasaad pa sa AO na kukunin ang pondo sa maintenance and other operating expenses ng tanggapan ng pamahalaan.
Kinikilala ng pangulo ang dedikasyon at serbisyo ng mga naka-job order at contractual service sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.