Klase at pasok sa trabaho sa PUP Sta. Mesa suspendido mula alas 12:00 ng tanghali

Sinuspinde ang klase at pasok sa trabaho sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila.

Epektibo ang suspensyon ng klase at trabaho mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Jan. 16.

Ayon sa anunsyo ng pamunuan ng PUP sa kanilang official Facebook Page, ang suspensyon ay dahil sa naranasang power interruption.

Sako png suspensyon ang NDC at Del Pilar Campuses kabilang ang COC, CEA, Institute of Technology, GS at CTHTM.

Read more...