Mga lokal na pamahalaan handa sa worst case scenario sa pagsabog ng Bulkang Taal
Nakahanda ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas sakaling magkaroon ng “worst case scenario” sa gitna ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Vilma Santos-Recto, na mayroong teamwork sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang lalawigan mula provincial level pababa sa municipal government at city level.
Ayon kay Santos-Recto, dahil hindi natatanggal sa alert level 4 at hindi naman sana umabot sa alert level 5 ay nakahanda na sila sa “worst case scenario”.
Paliwanag pa ng kongresista na bukod sa paghahanda ay tatalakayin na rin nila ang tungkol sa rehabilitation effort sa lalawigan sa sandaling magkaroon ng improvement sa sitwasyon ng Taal.
Sa huking datos na nakarating sa kaniya mayroong 11,000 indibidwal mula sa iba’t ibang lugar ng Batangas na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan ang nasa evacuation centers sa Lipa City.
Dahil dito kaya makikipag-usap na rin siya sa iba pang local government officials para ma improve pa ang sistema sa distribusyon ng relief goods sa mga evacuation center.
Ito ay dahil ang nangyayari ngaon ay hindi pantay pantay na nagkakaroon ng relief goods dahil sa dami ng evacuation centers, ang iba umano ay nakakatanggap ng marami habang ang iba naman na nangangailangan ay kulang na kulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.