Globe Rewards points pwedeng gamitin pangtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal
Hinimok ng Globe Telecom ang mga customer nito na idonate ang kanilang Gobe Rewards points sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.
Sa pahayag ng Globe, ang Globe Rewards points ay pwedeng mai-donate sa Rise Against Hunger upang maipambili ng meal packs na ibibigay sa mga pamilyang inilikas.
Gamit ang Globe Rewards app maaring i-convert ang points bilang donasyon hanggang sa Febaruary 15, 2020.
Samantala, daan-daang pamilya na ang napagkalooban ng relief packs ng globe sa sumusunod na mga evacuation centers:
Luksuhin National High School and Elementary School Evacuation Center
Alfonso, Cavite
180 families or 900 individuals
Alfonso Central School
Alfonso, Cavite
300 families or 1,500 individuals
Agoncillo Command Center
Poblacion 3, Bauan, Batangas
100 families or 500 individuals
Manghinaw Elementary School Evacuation Center
Bauan, Batangas
150 families or 750 individuals
Bauan Technical School
Bauan, Batangas
50 families or 250 individuals
Batangas City Sports Complex
Batangas City
200 families or 1,000 individuals
Laman ng relief packs ang pagkain, tubig at toiletries.
Nagpapatuloy din ang pagbibigay ng lireng WiFi connection at Libreng Tawag at pagpapagamit ng charging centers ng Globe sa Batangas at Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.