Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maraming may edad na nakaranas ng trauma matapos ang pagputok ng bulkan.
Sinabi ni Duque na may mga nakadeploy na psychosicial health officers katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tignan ang kalagayan ng mga evacuees.
Para naman sa mga bata, may isinasagawang pamamaraan upang mai-divert ang kanilang atensyon at maiiwas sila sa trauma.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng book reading, pagpapalaro at religious activities.
Samantala, binabantayan din ng DOH ang posibilidad na magkaroon ng pagdami ng nagkakasakit sa mga evacuation center.